Sa paglipas ng mga nagdaang taon , maraming mga haka-haka ,kuro-kuro
,ibat-ibang opinyon at mga kaalaman an gating napagtantu. Maraming mga teorya
ang nabuo patungkol sa ibat-ibang usapin, at ang malaking usapin kung saan nga
nagmula ang tao at kung paano din nagkaroon ng mga tao dito sa pilipinas.
ANG TEORYA NG
EBOLUSYON
May
mga naniniwala sa paniniwala ni Charles Darwin ngunit marami din namang
sumasalungat sa nasabing teorya dahil ayon sa iba ito’y isang kamalian dahil
ang tao daw ay nagmula kay Eva at Adan. Ang paniniwala na ito ni Charles Darwin
ay nanatiling isang teorya dahil walang sapat na batayan.
Nagsimula it okay Carolus Linnaeus noong 1760. Ayon sa kanya maaring may iisang pinagmulan ang mga buhay na organismo. Sinusugan naman ito ni Comte De Georges Buffon ipinanukala nya ang pagkakaibat-iba ng mga organismo ay dahil sa kanilang kapaligiran na pinananahanan.Inilimbag din ito ni Jean Baptiste Lamarch ngunit walang sapat na impormasyon hanggang sa naglabas na ng impormasyon sina Charles Darwin at A.R Wallace noong 1858.Ayon kay Charles Darwin “ Nagmula ang tao sa di gaanong mataas na antas ng organisadong anyo,at ang lahat na mataas na anyo ng buhay ay nanggaling sa maliit na isdang kapareho ng mga hayop “
Nagsimula it okay Carolus Linnaeus noong 1760. Ayon sa kanya maaring may iisang pinagmulan ang mga buhay na organismo. Sinusugan naman ito ni Comte De Georges Buffon ipinanukala nya ang pagkakaibat-iba ng mga organismo ay dahil sa kanilang kapaligiran na pinananahanan.Inilimbag din ito ni Jean Baptiste Lamarch ngunit walang sapat na impormasyon hanggang sa naglabas na ng impormasyon sina Charles Darwin at A.R Wallace noong 1858.Ayon kay Charles Darwin “ Nagmula ang tao sa di gaanong mataas na antas ng organisadong anyo,at ang lahat na mataas na anyo ng buhay ay nanggaling sa maliit na isdang kapareho ng mga hayop “
Ayon sa teorya ng ebolusyon ,unti-unting
nagbabago ng katangiang pisikal ang isang nilalang dulot ng proseso ng Natural
Selection.Ayon kay Darwin ang Natural selection ay ang proseso kung saan ang
mga nilalang na mya katangiang makibagay sa kanyang kapaligiran ang tanging
mabubuhay at makakapagparami ( Survival of Fittest).
Ang mga PROCONSUL
ang isang bakulaw na tinatayang pinagmulan ng tao.
Ang HOMO
HABILIS o able man o handy man dahil natitiyak ng mga anthropologist na ito
ang unang species na marunong nang gumawa ng kagamitang bato. Na buhay ito sa
loob ng africa CIRCA 2.5 milyong taon na ang nakalipas.
Ang
HOMO ERECTUS ay ang sinaunang tao nakakatayo ng tuwid at may malaking utak. Ang Homo Erectus o kilala rin bilang
"Upright Man" ay may taas na 5 talamapakan, makapal ang bungo, maliit
ang noo, malaki ang panga, maliit ang bagang at mukha, omnivores sila, unang
natutong gumamit ng "apoy", ang damit ay mula sa mga hayop at sila ay
matatagpuan sa iba't ibang parte ng mundo
Ang HOMO
SAPIENS ay uri ng unang tao na may mas malaking utak kaysa sa homo erectus.
at matalino din ang mga homo sapiens. Pinaniniwalaang dito daw nanggaling ang
kasalukuyang tao. Ang homo sapien
ang sina unang tao na may kakayanang gumamit ng iba't ibang kasangkapan ng
sinaunang sandata at sila rin ang mga unang tao na unang nakagawa ng mga alahas
gamit ang mga bagong bato nung panahon ng "Bagong Bato".
ANG TEORYA NG
MIGRATION
Ang ibig
ng sabihin ng teorya ng migrasyon ay paglalakbay sa iba pang lugar para
mamuhay.Sinasabi sa teoryang ito na may tatlong pangkat ang nang dayuhan dito
sa pilipinas. Ang una ay ang pangkat ng mga Aeta o Negrito ,kasunod ay ang
pangkat ng mga Indonesia at ang huli ay ang pangkat ng mga Malay.
PANGKAT NG NEGRITO O
AETA
Ang mga Negrito ang bumubuo sa mga
pinakamatanda o sinaunang mga nabubuhay pang grupo sa Pilipinas. Tinatawag ding
mga pigmi (mga maliliit na tao), at mabababa ang taas kaysa mga pangkaraniwang
mga Pilipino. Namumuhay pa rin sila sa pamamagitan ng pangangaso pangingisda at pagtitinda ng mga produktong mula sa kagubatan.
Matatagpuan sila sa mga panloob na bahagi ng Luzon
Panay, at mga pulo sa Mindanao.
Ang mga grupong etnikong namumuhay sa ilang mga lugar sa Timog-Silangang
Asya.Kabilang sa kanilang mga populasyon sa kasalukuyan ang mga Aeta (o Ita) Agta, Ayta, Ati,Dumagat at may mga 25 pang ibang tribo sa
Pilipinas
PANGKAT NG INDONES
May dalawang pangkat ng Indonesia ang
dumating sa Pilipinas, una na nga dito ang nagmula
pa sa Timog-silangang Asya. Maputi ang kanilang balat, balingkinitan ang
katawan, makitid ang hugis ng mukha may malapad na noo, may kalaliman ang mata
ngunit matangos ang mga ilong. Mas makabago ang kanilang kalinangan kung ihahambing
sa mga Negrito. Nagtayo sila ng mga bahay na may-hukay sa lupa o nasa tuktok ng
mga puno. Marunong silang pumana, mangisda, magkaingin at niluluto nila ang
kanilang mga pagkain. Pinaniniwalaang ninuno sila ng mga Ilongo ng Sierra Madre
at ng Caraballo.
Pangalawang pangkat ng Indonesia na dumating sa Pilipinas ay maitim ang balat, malapad ang mukha, makapal ang labi, malaki ang panga, malaki ang ilong, bilugan ang mga mata at malaki ang mga katawan. Nagmula sila sa tangway ng Indo-Tsina at Gitnang Asya, at tumira sa mga baybay ng Luzon. Mas maunlad ang kanilang pamumuhay kaysa naunang pangkat. Pinaniniwalaang sila ang gumawa ng Hagdan- Hangdang Palayan sa Banawe.
Pangalawang pangkat ng Indonesia na dumating sa Pilipinas ay maitim ang balat, malapad ang mukha, makapal ang labi, malaki ang panga, malaki ang ilong, bilugan ang mga mata at malaki ang mga katawan. Nagmula sila sa tangway ng Indo-Tsina at Gitnang Asya, at tumira sa mga baybay ng Luzon. Mas maunlad ang kanilang pamumuhay kaysa naunang pangkat. Pinaniniwalaang sila ang gumawa ng Hagdan- Hangdang Palayan sa Banawe.
PANGKAT NG MALAY
Mga Malay
ang tawag sa mga pangkat etnikong Awstranesya
. Sa Pilipinas, sila ang mga ninuno ng mga nagging Bisaya, Tagalog Ilokano, Moro, Bikolano at iba pa.Sa kanilang
paglalakbay nakasakay sila sa Bangka na tinatawag na nga nating BALANGAY , may
sarili silang batas at pamahalaan .May kaalaman din sila pagdating sa musika at
agham at sa gawaing pangkabuhayan.
NANINIWALA
KA BA SA TEORYA NG TULAY NA LUPA?
Alam
natin na marami sa ating mga kababayan ang mahilig manlakbay .Ito rin ay isang
matagal na usapin patungkol sa tulay na lupa. Ayon sa teoryang tulay-lupa, kabit-kabit dati ang mga lupain
ng mundo at nagmukha lamang hiwa-hiwalay, tulad ngayon, sapagkat natunaw ang
mga bundok ng yelo na nabuo noong panahon
ng Yelo. Ang mga tulay-lupa ay matagal nang pinaniniwalaan ng marami sa siyang
dahilan kung bakit nakapaglakbay sa magkakahiwalay na kontinente ang mga unang
tao, at may magkakamukhang mga halaman at hayop sa magkakalayong lugar.
IPALIWANAG
ANG MGA KATANGIAN NG AETA, NEGRITO AT MALAY
Ang
mga pangkat ng tao na ito ay may mga katangian na talaga nga namang
nakakahanga.Bukod sa kalakasan ng kani-kanilang mga katawan. Masasabi kong sila
ay matatapang kung baga POSSITIVE
THINKER silay nabuhay sa kawalan, ngunit hindi ito nagging hadlang sa kanilang
buhay bagkus ay nagsilbi pa itong inspirasyon na dapat mag sumikap pa sila
upang mamuhay. May taglay silang kasipagan dahil umaasa lamang sila sa bigay ng
kalikasan ngunit kanila pa itong pinalawak ang napakalaki ng kontribisyon nito
sa kanila na nagagamit parin natin hanggang ngayon.
NANINIWALA
KA BA SA SIYENSYA NA ANG MGA TAIWANESE ANG PINAKAMALAPIT NA PINAG-MULAN NG TAO SA PILIPINAS?
Sa
aking sariling opinyon hindi ako naniniwala dahil kong GENETIC ang pagbabasehan
, malayo ang itsura natin sa mga Taiwanese dahil sila mapuputi tayo kayumanggi
at magkaiba din tayo ng kultura. Mas kahawig pa nga natin ang mga Malay at
Indones .
ANO SA PALAGAY
MO ANG MGA KATANGIAN NG MGA FILIPINO NOON NA NAMANA NATIN HANGGANG NGAYON?
Sa aking palagay ang pagiging
hospitable ng mga Pilipino noon hanggang ngayon. Ang pagiging maalaga sa
pamilya at maging sa kapwa natin mga Pilipino. Sa pangkabuhayan naman, ay ang
pagtatanim, pangingisda at ang paraan ng pagluluto ay matatawag din nating
naging pamana ng mga sinauna nating mga ninuno. Ang barter kung saan ay ang
pagpapalitan ng mga produkto at ang paniniwala sa kaluluwa ng mga namatay na tao.
NAGING MAGANDA BA ANG
RESULTA NG PANANAKOP SATIN NG SPAIN?
Para
sakin may maganda naman itong naidulot satin bagamat may mga negatibong epekto
parin talaga ang naidulot ng spain sa atin. Sa pananakop nila may mga pamana
din sila na hanggang ngayon ay ating nagagamit sa ating pang araw-araw na
pamumuhay. Natuto ang Pilipino kong pano magluto gamit ang mga pampapalasa o
spices. Sa kanila din natin natutunan ang pag pinta,pag-sulat,pagbasa . Ang
pagsasayaw ng carinosa,pandanggo at iba pa ay nagmula din sa mga espanyol.
Hindi lang pamana ang kanilang naihatid, sa pamamagitan din ng pananakop nila
nagkaroon ng pagbubuklod ang mga Pilipino.